Saturday, April 21, 2007

Tibo Nga Ba Ako?!

By Thea Lising

Para sa mga hindi pa nakakaalam, galing ako sa St Scho at oo, nagkaroon na ko ng ka-on. Naging “kami” nung first year ako at fourth year naman s’ya. Her name is Cherry. Girl na girl ang name n’ya ‘noh? Which agrees with her naman, kasi girl na girl din s’ya.

Siguro ngayon naguguluhan na yung iba sa inyo dahil pa’no nga naman nangyari na naging mag-on ang dalawang babae na straight naman pareho (dahil sa ayaw n’yo at sa gusto, straight talaga kami pareho)? I firmly believe kasi na you can enter or have a same-sex relationship kahit na you are both straight. Alam ko marami na ang magdi-disagree sa’kin pero this is what I personally believe.

Sa isang exclusive school for girls kung sa’n ako nanggaling, normal lang ang pagkakaroon ng ka-on. Ang tawag nga namin kapag may nanliligaw sa’min na babae ay “pinapasukan” kami. (Oo na, may nag-point out na sa’kin na medyo “green” and suggestive yung term namin pero yun talaga tawag namin dun eh).

Ang pagiging expose siguro namin sa ganitong paniniwala ang nagtatak sa aming isip na wala namang masama sa mga same-sex relationships mapa parehong babae pa sila o parehong lalaki. Pwede mong sabihin na lumaki kasi kami sa isang environment na hindi nagma-matter kung babae ka o lalaki, lahat kayo pare-parehong pwedeng magka-crush, ma-inlove, maligawan o manligaw sa kung kanino man. Kapag kasi galing ka sa isang co-ed school, parang implied na na ang mga babae magkaka-boyfriend at ang mga lalaki magkaka-girlfriend. Sa amin naman, parang walang implication, libre ka kung gusto mong magka-boyfriend o magkaroon ng ka-on. Pwede mong sabihin na mas open minded kami sa homosexuality compared sa isang galing sa co-ed school. Although I have to admit na sa amin, may implication na kahit minsan lang sa high school life mo na magkakagusto ka o may magkakagusto sa’yo na kapareho mong babae. Marami ang nagsasabi na siguro daw kung may mga lalaki sa St. Scho wala masyadong mga mag-on o kaya naman kaya daw kami nakikipag-on dahil walang nanliligaw na mga lalaki sa amin. Siguro nga ganoon, meron sigurong iba na ganoon ang reason sa pakikipag-on. Personally? Hindi yun ang reason ko.


Nung nasa elementary ako, mayroon akong mga lalaking mga ka-barkada at friends ko pa rin sila kahit nung nag-high school na sila. Madalas ko namang puntahan sa Don Bosco ang kuya ko every time na may event dun, kung saan nakikilala ko ang nga friends and classmates ni kuya. (So hindi mo pwedeng sabihin na wala akong kilalang boys or manliligaw kaya nagkaroon ako ng ka-on).


Nakilala ko naman si Cherry nung nagpapractice na kami ng sayaw namin para sa Intrams, ka-team kasi namin yung class nila. Naghiram s’ya ng pamaypay sa’kin kaya kami nagkakilala. Nung mga sumunod na linggo, madalas s’yang dumadaan sa labas ng classroom namin at nakikipagkwentuhan. Hanggang sa maging magkaibigan kami. Hindi nagtagal, tinanong na niya ako kung pwede bang maging kami. Siguro mga limang beses ko pa s’yang tinanggihan bago ko sya tuluyang sinagot (dahil sa pagseselos ko sa isang batchmate ko kaya ko s’ya sinagot). Akala ko noon mahal ko na s’ya, na na-inlove na ako sa isa pang babae. Hindi pala. Paano ko nalaman? Kilala n’yo na siguro ang taong nagpa-realize sa’kin nito. Tama, si Phil nga (sorry Bei, important sa explanation eh).

Marami similarities sina Cherry and Phil pero ang nagpa-realize sa’kin ay yung difference nila. The difference of my feelings for them, that is. Napag-isip-isip ko na yung naramdaman ko for Cherry ay love for a friend, a very special friend pero still a friend none the less. Nung kasing kami pa, para kaming magkaibigan. Yung kwento-kwento, magsusumbong ka sa kanya kapag may kaaway ka o kaya problema. Sweet din kami, pero nahawakan lang n’ya ata yung kamay ko once saka isang kiss sa cheek lang nung Pasko na kami pa. Possessive din ako nung kami pa ni Cherry, nagseselos ako kapag may ibang girls na nagpapa-cute sa kanya pero pag boys ang nagpapa-cute, kinikilig pa ako para sa kanya.

Na-realize ko na kahit sino’ng friend kong babae ganoon ang pakiramdam at pakitungo ko, parang wala naman s’yang lamang sa kanila. Which is napaka-iba sa kung paano ako makitungo at pakiramdam ko para kay Phil. Sa friendship kasi, iniisip mo yung makakabuti sa kaibigan mo pero sa paggawa mo ng mga
desisyon, ikaw pa rin ang nagdedesisyon, kadalasan gagawin mo pa rin yung pinakamabuti para sa iyo. Pwede kang gumawa ng mga bagay ng hindi kinukunsulta ang mga kaibigan dahil buhay mo naman ‘yun eh. Ganoon ako mag-isip at gumawa ng desisyon noon. Kahit pa kami ni Cherry noon, ka-on ko s’ya, ang pakitungo ko sa kanya ay parang isang kaibigan lang. At sa pagkakaalala ko, ganoon din s’ya sa akin.

Ibang iba ito kapag nasa isang seryosong relasyon ka. Ang paggawa mo ng mga desisyon ay nakadepende na sa kung ano ang nakakabuti sa inyong dalawa na, hindi yung mabuti lamang para sa’yo. Yung mga bagay na dati hindi mo na ipinagpapaalam parang biglang gusto mo nang ipagpaalam kasi ayaw mong masaktan yung minamahal mo, kahit pa hindi mo naman sinasadya. Mas self-centered kasi kapag friendship lang, mas iniisip mo ang sarili mo kaysa iba. Sa romantic love naman, parang nagiging mas importante yung kasiyahan ng partner kaysa yung mga gusto mo. Minsan, nagsi-seem petty yung mga bagay na big deal sa ‘yo dati nung single ka pa compared ngayong may ka-relasyon ka na.

Kaya ko lang siguro naisip na romantic love na nga yung nararamdaman ko dahil sa amin nun, ok lang kung makaramdam ka ng ganoon. Napagkamalan kong yun na yun at kulang yung mga experiences ko para mai-classify at ma-define ko ng maayos kung ano ba talaga yung nararamdaman ko para kay Cherry. Na-overwhelm lang siguro ako at inakalang ang pagseselos ay equivalent sa pagmamahal sa isang tao. Siguro nga kung nasa isang co-ed school ako ay maiisip ko na kahit nagseselos ako sa mga umaaligid kay Cherry ay dahil possessive talaga akong kaibigan at hindi ako magco-conclude agad na mahal ko na s’ya. Pero dahil nasa exclusive school ako nun, mas naging mabilis na nag-jump ako sa ganong conclusion kesa sa ano pa man.

Kagaya ng lahat ng mga relasyon, mayroon ding iba’t-ibang klase ng mga same-sex relationships. Hindi ko sinasabing lahat ng same-sex relationships ay friendship lang, napagkamalan lang na romantic love. Ang sinasabi ko lang ay sa kaso ko, yun ang realization ko. Posible naman kasi na ma-inlove sa kapareho mo’ng kasarian, wala naman kasi dapat na limitation ang love eh. Siguro dahil nai-dikta na sa’tin na ang tama ay ang babae at lalaki na magka-relasyon at wala ng iba kaya pangit o mali sa mata ng karamihan ang anumang taliwas dito. Sana na lang, i-respeto natin ang mga taong iba ang paniniwala kaysa sa’tin.

So, tibo nga ba ako?! Bwahahahahahaha! HINDI!

UP Aguman on Facebook

UP AGUMAN

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

EXECUTIVE COUNCIL 2009-2010

  • President:
  • KEVIN PENALBA
  • Internals Vice-President:
  • TRISH NACPIL
  • Externals Vice-President:
  • ARIES VIRAY
  • Secretary:
  • MICHAEL GULAPA
  • Treasurer:
  • BRYAN QUIZON
  • Educational Committee Chairperson:
  • RUTH HENSON
  • Socio-Cultural Committee Chairperson:
  • MINSKY GOCE
Powered By Blogger
Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
Google PageRank Checker Tool

AguPIPS on Multiply