Wednesday, October 31, 2007

Eksenang Agu! The Questions Nights Edition

By Binibining Bangs


Well, well, well, look do we have here?! While da rest of ya are busy basking in the success of the recently-concluded Pautakan, I was busy gathering juicy details of the past week or so. Oha! Straight Englishing ang lola niyo.. Bago dumugo ang ilong ko tulad ni Inday, lemme get started!

Sinetch itech na 2 mem-boys na nag-overnight nang solo sa first night ng Questions Nights? Oh diba, Brokebackan ang drama nila, haha! In the midst of the index cards of questions pa, bwahahaha!

Sinetch itech tong 3 mems na tinulugan ang panonood ng A Love Story? Dapat talaga, Korean porn este movies ang papanoorin nila. At talagang may baon pa silang mga piratang debede - mas marami pa sa mga binaon nilang reference books para sa paggawa ng mga questions! But wait! Pawang walang mga subtitles ang mga naturang debede. Kaya ayun, may I dub-your-own-movie ang naging trips ng tatlo. Nang hindi na nila makayanan, pinatos na rin nila ang Aga-Maricel-Angelica (incest) starrer, haha! Nung una no, kunwari nandidiri pa sila sa paglalampungan sa simula, pero pagkatapos noon ay nakatulog sila, ito's matapos na mandiri sila, pagkatapos nun eh nakatulog sila.. na may pandidiri't paglalampungan na sa simula.

Sinetch itech tong mem-boy na tapang-tapangan ang drama at 4 in the morning? (Cue in Gwen Stefani). So hunger na kasi ang mga nag-obernite na mems at inumaga na sila sa pagkwekwentuhan este paggawa ng mga questions. Kaya naisipan ng mga ito na mag Burger Machine (yak, jologs, haha!). Buong akala ng mem-boy na ito, may Burger Machine sa may kanto ng St Augustine, na may-I-confirm naman ng isa pang mem-boy na host ng Questions Nights. But no! Pagdating sa kanto, wala ni isang patty ng burger na matatanaw. Joke lang pala ang lahat. Kaya ayun, nag-RORO pa ang mem-boy sa kabilang ibayo sa may St Jude para lang makapag-cheese burger. Okay na sana ang lahat, pauwi na siya and all at nasa St Augustine na siya... nang biglang nagkamali siya ng kantong linikuan. Pagbigyan na natin, gabi na kasi, tumatanda na ang mem-boy, kaya siguro lumalabo na ang mata. Out of nowhere, bigla na lang hinabol ng aso ang pobreng mem-boy! Kamusta naman, 10 years ago pa yata nang huling hinabol ng aso sa bike ang ating mem-boy, kaya ayun, sa sobrang adrenaline rush, nag-pedal-for-one's-life siya! Ayun, nakarating siya sa dulo ng St Augustine, haha! Maswerte naman niyang natakasan ang mga aso.

Sinetch itech tong pa-tweetums na mem-girl na may-I-overnight ang drama nang walang dala ni isang piraso ng damit? Haha! Kaya ayun, nag-resort na lang sa side B (yata) ang lola niyo. Hindi naman siya masyadong nangamoy, inpernes!

Sinetch itech tong mem-boy na sobrang at home ang feeling sa mansion ng mga Gulapa? Sa sobrang at home niya, alam na alam pa niya kung saan ang dapat na paglagyan ng mga nahugasang baso at kutsara! Daig pa niya ang mem-boy na may-ari ng bahay. Gumawa pa siya ng eksena nang habang nanghuhugas ng paa, nasira niya ang bidet ng pamilya Gulapa! To da rescue naman ang isa pang mem-boy na kilala sa kanyang mga pisngi (naglakwatsa kasi somewhere ang host na mem-boy). Ayun, nagawan naman ng paraan. Pero ngayong tapos na ang Pautakan at lahat, tuluyan nang nasira ang nasabing bidet. Paumanhin po sa pamilya Gulapa. Babayarin po yan ni ****** ang lahat ng gastos, hehe!

Sinetch itech tong mga mems na puro bloopers sa pagpunta sa bahay ni Roman? Palibhasa first time yatang pumunta sa Citeeh of San Fernando, nagkaroon sila ng minor misadventures sa jeep papunta sa tamang subdivision. Unahin natin tong mga mem-girls na pawang mga galing sa isang batch na uber sa emo at sa uber sa load dahil mahilig mag-call kaysa mag-text. Dahil ang instruction ay bumaba sa "San Agustin", bumaba naman ang mga mem-girls sa San Agustin. Ang catch, dun sa baryo at hindi sa subdivision. Tinawanan tuloy sila ng mga wheelers kasi pilit silang nagpapahatid sa "Opal Street" samantalang wala namang ganun on that side of the barrio. Ang susunod naman ay isang mem-boy. Habang inaabot niya ang bayad sa driver ng jeep, sabi niya, "Keng St Augustine pu.." Napatingin tuloy ang mga manggagawang Pilipino na kasakay niya, at napatawang inabot ang bayad ni mem-boy sa driver, "San Agustin pu kanu.." Akala tuloy nila, conyo ang mem-boy, haha!

Sinetch itech tong committee na may balak yatang mag-venture sa poultry business? Dumating ang isang member ng naturang committee in time for lunch, at may dala-dala siyang chicken para pagpiyestahan ng lahat. Okay lang sana, kahit na ba the previous night eh inihaw na manok ang ulam, at least this time, ibang luto at ibang sauce naman. But come dinner, kamusta naman na manok pa rin ang ulam -- inihaw na manok, that is! Kamusta naman ang pagpurga ng manok sa mga members? Sana feeds na lang ang dinala nila, haha! Kaya naman kinaumagahan, nagising na lang ang lahat nang may biglang sumigaw ng toktokokok!

Sinetch itech tong 2 mems na mag-ex na muling ibalik ang tamis ng pag-ibig ang drama? Actually, tuwing Questions Nights, ay lagi silang may "former beaus moment", haha, kahit na years ago pa ang naging relasyon nila. This time around, nag-solo sila sa kwarto doing God knows what dahil nagkataon na umalis lahat ng mems to fetch a few things at another mem-boy's house. Mabuti na lang at may dumating na isa pang mem-boy bago pa natuloy ang anumang kababalaghan, haha!

Sinetch itech tong mga mems na akala yata ay makakaiwas sa hagupit ng Pentel Pen sa panahon ng Questions Nights? Unahin natin ang isang bubwit na mem-girl. Bago siya natulog, hinostage pa niya talaga ang mga pentel pen. Malas niya, may naitago pang extra pentel pen ang isang mem-boy, kaya ayun, at their mercy ang drama ng bubwit na mem-girl. Nung una, nag-mamatigas pa siya na hindi siya matutulog hangga't hindi umuuwi ang mga tanders na mem-boys. Pero hindi rin nakatiis ang bubwit na mem-girl at nahimbing rin siya. In fairness, habang tulog ay nagka-Havaianas siya sa isang paa, haha! Isa pang mem-girl ang naging biktima ng pentel pen. Nagising na lang siya ng may sing-sing at relos sa kamay. Ang akala pa niya ay may ipis na gumagapang sa kanya, in denial pa ang lola niyo, haha! Mayroon ring isang mem-boy na nakarami ng nabiktima bago siya matulog. Sa takot na mapaghigantihan ng mga biktima, tinago niya ang mga pentel pen -- to no avail. Kaya ayun, paggising niya, isa na siyang giant panda na may matching whiskers pa. Last naman ay ang isang batang-batang mem-boy na nangahas na mambiktima sa isang mem-girl na mahilig sa pusa. Sa sobrang puti at kinis ng kutis ni mem-girl, nahiya ang ibang mems na pagtripan ang lola niyo. But no, kebs sa seniority ang drama ng batang-batang mem-boy, graffiti kung graffiti ang drama niya at pati ang mem-girl na ito ay hindi niya pinalagpas!



Hindi niyo ba kilala ang mga sinetch iteches? Well, it's your fault! Hindi kasi kayo pumunta ng Questions Nights! Pwe! Hehe! Siguro naman asy busog na busog kayo sa mga blind items. Marami na naman kayong pag-uusapan at huhulaan!

UP Aguman on Facebook

UP AGUMAN

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

EXECUTIVE COUNCIL 2009-2010

  • President:
  • KEVIN PENALBA
  • Internals Vice-President:
  • TRISH NACPIL
  • Externals Vice-President:
  • ARIES VIRAY
  • Secretary:
  • MICHAEL GULAPA
  • Treasurer:
  • BRYAN QUIZON
  • Educational Committee Chairperson:
  • RUTH HENSON
  • Socio-Cultural Committee Chairperson:
  • MINSKY GOCE
Powered By Blogger
Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
Google PageRank Checker Tool

AguPIPS on Multiply