Friday, June 6, 2008

Eksenang Agu! The Villa Antonina Edition

By Binibining Bangs


Haym back! Syempre, (Pantene!) dahil katatapos lang ng isang uber sa bonggang-bonggang to the max ibang level na talaga ito na semstarter, kailangan i-share ko sa inyo ang mga kahindik-hindik at katawa-tawang pangyayari na nangyayari lamang kapag nagkaka-sama-sama ang mga members within a few square meters of each other, hehe!

You know the drill, hulaan portion na naman tayo sa mga blind items! Hala!

Da who itong mem-boy na nag-fieldtrip sa kama habang matulog?! So he was sleeping with the rest of the boys in their room. Noong una ay okay pa sana dahil kaunti pa lang silang humihilik at natutulog. Pero nang napasarap na ang pagtulog nitong mem-boy, aba, aba, aba, ‘gewa na ing lub na!’ ika nga. Palipat-lipat at papalit-palit lang naman siya ng posisyon sa pagtulog. Kebs lang siya sa mga katabi niya dahil ginawa pa niyang mga unan ang mga ito, haha! Well, we can’t blame him din naman dahil na-hoard ng 2 other mem-boys ang 2 and only unan sa room. So ayun, may-I-improvise itong si mem-boy at ginawa na lamang unan ang bilbil sa tiyan ng katabing mem-boy, haha!

Da who itong mem-boy na kawawang nasipa-sipa ng isa pang mem-boy sa ulo habang natutulog sa tuwing may-I-turn-over-my-current-position-tuwing-malilingat-ako?! Medyo irregular kasi ang arrangement sa bed na mga mem-boys kaya kaya naman prone talaga sa accidental pambubugbog ang mga itech. Pobreng mem-boy, nagka-amnesia yata siya dahil hindi niya maalala na ginawa siyang soccer ball habang natutulog, haha!

Da who itong mem-boy na wala daw ‘balls’ dahil scared mag-slide sa swimming pool?! Actually dalawa talaga sila na ‘no-balls’. Ngunit nang i-dare nila ang isa’t isa, isa lang sa kanila ang natinag at umakyat sa matarok na slide with the rest of the boys with matching ‘when was the last time you did something outrageous’ pang statement na nalalaman! As expected, huling umi-slide ang naturang mem-boy dahil matagal-tagal rin siyang umipon ng powers at lakas ng loob. Mabuti nga’t hindi nasira ang concrete slide dahil sa lakas ng dagundong ng pag-bounce ng isa pang mem-boy sa slide!

Da who itong mem-boy na tila yata may repressed anger dahil kahit mga girls ay hindi sinanto sa water touching ball!? Batakan kung batakan ang drama ng lolo niyo! Nasapul ang isang mem-girl sa back area at na-bull’s-eye naman sa mukha ang isang mem-boy. Well, sa ‘laki’ ba naman ng mem-girl at mem-boy, malaki talaga ang probabilidad na tamaan sila, ano? Bwahaha! Pero kailangan talaga ganun kalakas?! Antigas pa naman nung plastic ball and not to mention, puno ito ng tubig nang dumapo sa laman ng mga mems, haha!

Da who itang mem-girl na bigla na lang in-unleash ang kanyang inner bitch out of nowhere?? Pinagmamalaki kasi ng isang mem-boy ang cleavage ng na-create ng kanyang hairy man-boobs. Nabigla na lang ang lahat nang biglang binulalas nitong mem-girl: “Ha, ha, ha, funny, funny, funny!” Oha, winner ang lola na akala nating lahat ay demure forever!

Da who itong mem-boy na dumating lang sa ating bonggang-bonggang semstarter hindi para mag-swimming kundi maglaro lamang ng Monopoly?! Hindi na nga siya dumating ng FR, uber late pa nang um-arrive sa Antonina. O dava, VIP ang drama! Haha! Nagbayad pa naman siya ng overnight fee sa gate at nagdala naman ng kanyang swimming attire ngunit subalit datapwat, nakuntento na lamang ito sa pagbabaraha at paglalaro ng game board. Bakit kaya? Siguro dayang-dayang (papilit pang papilit) ang lolo niyo? Eh baka naman walang namilit? Haha! Hindi man niya nasulit ang overnight fee, dahil hindi naman siya nakatulog dahil wala na rin naman siyang pwesto kaya naman maaga na rin siyang umuwi! Huhu, poor, poor, lonely boy.

Da who itong mem-girl na she works hard for the money ang drama?! Late siyang dumating sa whole-day affair dahil may tutor-shift siya. Kasama siya sa mga (engot) na mas piniling maglaro ng Monopoly magdamag kaysa matulog. Habang ang iba ay maagang umuwi para sa bahay na lang magsi-tulog, itong si mem-girl ay may tutor shift pa daw! Whoa! Kaya pala medyo tumaba ang hitsura niya – lumaki ang eyebags niya! Haha! Sige ka, mem-girl, hindi ka na lalaki niyan!

Da who itong mem-boys and mem-girls na back to the 90s ang drama? Pinerform lang naman nila sa videokehan ang mga kantang that defined the boy-band and girl-band bubblegum pop era – As Long As You Love Me by the Backstreet Boys and Stop by the Spice Girls! Talk about showing your true jologs colors, haha! Dahil co-ed, ayun nagmistulang S Club 7 ang mga kachokaran. Take note, with matching choreo pa ang mga ate at kuya!



Da who itong mem-boy na grabe, napapa-Tagalog pala kapag namamangha? Habang nagkukwentuhan ang mga mem-boys tungkol sa glory days (or lack thereof) ng kanilang high school life, bigla na lang um-exclaim ang naturang mem-boy: “Grabe! Napacalaci ng manoc! Sobra!” Kamusta naman at napatingin na lang ang mga kakwentuhan at nagtawanan sa nangyaring pag-sapi ng kaluluwa ni Balagtas sa naturang mem-boy! Bwahaha! True enough, malaki nga naman ang manok. Pero kailangan talaga Tagalog?! Haha!

So there you go for your latest bonggang-bonggang juice from the misadventures of your favorite (and mystery) members. So ano, hindi ka pa ba nag-sisi na hindi ka pumunta?!

UP Aguman on Facebook

UP AGUMAN

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

EXECUTIVE COUNCIL 2009-2010

  • President:
  • KEVIN PENALBA
  • Internals Vice-President:
  • TRISH NACPIL
  • Externals Vice-President:
  • ARIES VIRAY
  • Secretary:
  • MICHAEL GULAPA
  • Treasurer:
  • BRYAN QUIZON
  • Educational Committee Chairperson:
  • RUTH HENSON
  • Socio-Cultural Committee Chairperson:
  • MINSKY GOCE
Powered By Blogger
Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
Google PageRank Checker Tool

AguPIPS on Multiply