Sunday, April 20, 2008

Bonggang Bonggang Pagsitsit Ng Mga Starlalu

By Toy T. Oyang

ARIES (March 21 - April 19)
Malapit nang ma-reveal ang secret mo na pilit mong tinatago. Mag-ingat sa mga taong pinagkakatiwalaan mo dahil isa sa kanila ang magtratraydor sayo. Swerte ang taon na ito para sa'yo lalo na sa pag-aaral. Magpasalamat ka at hindi ka mag-eexceed sa MRR, sakto lang.
Lucky number: 2 (Number of years ng delay mo sa UP)

TAURUS (April 20 - May 20)

Maraming tao ang maiinis sa fashion statement mo ngayong summer dahil sa choice of colors mo. Baguhin mo ang sarili mo bago pa magbago ang pakikitungo ng mga kaibigan mo sa'yo. Baka ipagpalit ka pa nila sa iba dong.
Lucky number: 4 (Keber lang, di ka naman naniniwala sa horoscope. Kilala kita!)

GEMINI (May 21 - June 20)
Sa susunod na buwan, may mangyayaring malas every Friday. Huwag isuot ang sumusunod na kulay ng damit: pula, kahel, dilaw, berde, lila, itim, puti, maroon at brown. Ang Uranus ay nakalinya ngayon sa star mo kaya swerte ang kulay na asul.
Lucky number: 5 (Bilang ng damit na asul na meron ka)

CANCER (June 21 - July 22)
Huwag seryosohin ang crush. May gusto siyang iba. Ang atupagin mo ay yung crush ng crush mo. Matutong manira ng ibang tao dahil makakatulong ito sa iyong pagkarir na sadyang bonggang bongga. Learn to see the signs.
Lucky number: Null

LEO (July 23 - August 22)
Sa summer na ito, swerte ang buhay pag-ibig mo. Makitxtm8 ka dahil sweswertihin ka sa larangan ng EB (eyeball loko, e me balu kuno). Asahan ang di inaasahan. Swerte ang pagkain ng Tuse with ikstra rice sa Rudek's (with matching *ting* ng bell).
Lucky number:
0927-3458256 (itxt me, magreply ya pramis)

VIRGO (August 23 - September 22)

Isang magandang sorpresa ang iyong matatanggap sa buwang ito. Mag-ingat sa mga prof mo. Basta, mag-ingat ka. Binabalaan na kita. Kinakabahan ka? Pwes, kabahan ka na ngayon pa lang.
Lucky number: 3 (read as TRES)

LIBRA (September 23 - October 22)

Ahhh... Atin yang bayung bag. Tataba ka, big time. Maghinay hinay sa pagkain dahil ang planetang Venus ay ang pinakamalayong planeta sa star mo ngayon. Sweswertehin naman ang lovelife mo. Babalik ang pag-ibig ng dating kasintahan. Go go go while the flag is still up!
Lucky number: 500 (Required calorie intake per day to maintain figure)

SCORPIO (October 23 - November 21)
Huwag bilisan ang panliligaw at huwag din namang bagalan dahil wala ring patutunguhan ang ambisyon mo. Mahalin mo ang lahat ng taong nakapaligid sa'yo, kahit yung anak ng nagfo-photocopy sa tabi ng tambayan mo. Sa susunod na linggo, malas ang makitulog sa ibang apartment at mamalasin din naman ang roommate mo.
Lucky number: 7 (Guide mo to: seven days ang malas mo)

SAGITTARIUS (November 22 - December 21)
Huwag ka munang umasa sa lovelife, pag-aaral at friendship -- mamalasin ka sa mga ito. Kung gusto mong suwertihin, manlibre ka. Nakalinya ang planetang Jupiter at Mercury sa bituin ng Sagitarrius. Sweswertehin ka sa pera. Pero mananakawan ka naman. Wala rin di ba? Ipanglibre mo na habang maaga pa.
Lucky number: 35 (Cheeseburger! Cheeseburger! Cheeseburger!)

CAPRICORN (December 22 - January 19)
Mag-ingat sa kalsada dahil malaki ang chance na masasagasaan ka. Magkubli sa bahay sa susunod na tatlong araw at mag-aral nang mabuti. Malaki kasi ang tsansa na babagsak ka sa subject na sinusummer mo.
Lucky number: 5 (read: SINGKO)

AQUARIUS (January 20 - February 18)

Manimalid ka? Oini ing panyu, salwan me. E ka indredus ne? Magtapat ng nararamdaman sa taong napupusuan. Aminin na ang nararamdaman- obvious naman eh. Isang di inaasahang tao ang magpapakilala sa'yo. Swerte ang buwan na ito para magpapayat, kaya iwasan ang pagkain ng makakasamang pagkain.
Lucky number: 300 (Tatak Gucci ing panyu eh)

PISCES (February 19 - March 20)
Mamalasin ka sa lovelife dahil pamumunuan mo ang isang grupo. Umilag sa paggamit ng petnames (beh, bunch, etc). Ang planetang Neptune ay nasa side mo ngayon. Makakainam sa karir mo ang pag-iwas sa gastos. Matutong magtipid dahil mag-aabono ka nang malaki sa susunod na semestre.
Lucky number: 500,000 (Ito ang kailangan mong online votes/rice/tissue/pera para tuloy tuloy ang pagsikat mo)

UP Aguman on Facebook

UP AGUMAN

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

EXECUTIVE COUNCIL 2009-2010

  • President:
  • KEVIN PENALBA
  • Internals Vice-President:
  • TRISH NACPIL
  • Externals Vice-President:
  • ARIES VIRAY
  • Secretary:
  • MICHAEL GULAPA
  • Treasurer:
  • BRYAN QUIZON
  • Educational Committee Chairperson:
  • RUTH HENSON
  • Socio-Cultural Committee Chairperson:
  • MINSKY GOCE
Powered By Blogger
Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
Google PageRank Checker Tool

AguPIPS on Multiply