Wednesday, June 6, 2007

Eksenang Agu! The Rio Vista Edition

By Binibining Bangs

Woohoo! At long last! After 48 years. Nakasulat na naman ako dito! Balita ko, masyado daw madali yung mga blind items ko the first time. Kaya this time around, medyo pahihirapan ko na kayo!


Since katatapos lang ng Semstarter, why don't we all feast on the juicy things that happened there, diba!?

Da who itong mem-gurl almost dramatic ang entrance sa pool? In fairness, siya ang unang nag-change costume into swimming apparel sa lahat ng mem-gurls. Pero sa huli, siya rin ang pinakahuling nag-tampisaw sa pool. Eh paano ba naman, sa sobrang kalokang agaw-pansin na sarong niya (kulur sapphire blue, with fading effect pa), hindi magkamayaw ang mga mem-boys, pati na rin ang mga mangagawang Pilipino na naroroon din sa resort. At isa pang in fairness, kahit dripping wet na siya at lahat pagkatapos mag-swimming-swimming, very intact pa rin ang kanyang 'chinchunsu' sa mukha, hahaha!

Da who itong mem-boy na natulog na lang sa CR? Nako, dahil ba sa wala nang mahigaan, kaya doon na lang siya nagpwesto? Hahaha! Sabi niya sa mga kainuman at kakwentuhan sa swimming pool ay mag-wiwiwee lang siya, pero hindi na siya nag-McArthur! Ni hindi nga alam kung saan siya nagpunta hanggang sa madiskubre na lamang na siya pala ay na-stuck at nag-lock pa sa may inidoro. Huli siyang natagpuan na palutang-lutang sa swimming pool bago siya tuluyang nakatulog sa matinong higaan.

Da who itong tatlong mems na ito na nagkaroon ng isang heated argument about, of all things -- UP people going and working abroad? Kamon mamon! Laban kung laban ang debate! Haha! It wasn't a fair fight, dahil it was 2 against 1, with matching gatong by another mem pa on the side, na never mong magegets kung kaninong side ba talaga siya!

Da who itong mem-boy na sa sobrang hangover yata sa pagkatalo sa Seagames ay hanggang sa pagtulog ay olats pa rin sa puwesto sa mga higaan? He almost didn't make inside the room, haha! Kamusta naman na saktong nakapasok lang ang upper body niya sa pinto, habang ang kanyang mga paa ay nakatiwangwang sa doormat! At wag ka! Nagsuka pa ang lolo niyo sa mga tsinelas! Ewwwness!

Da who itong tatlong mems na dahil nga sa wala nang lugar sa kwarto (nako, obvious ba na kulang ang room? Eh magmula kanina, problema sa higaan ang puno't dulo ng mga misadventures, haha!) at nagmistulang pulubi na lang at natulog sa mga cottage in the middle of the damn cold brownout night? Nilamuk-lamok tuluy sila! Haha! At kamusta naman, kahit nakatulog din sila sa kwarto nang gumising na ang mga sleeping beauty na mems, one of these mems don't even remember ever sleeping sa mga kubo! Talk about amnesia! Haha!

Da who itong mem-boy na naglaro (at naburu sa pagiging taya) sa water touching ball? Kamusta naman ang paghagis niya ng bola sa mga tinitirang kalaban? Mula sa facial expression hanggang sa lakas ng paghagis, may galit talaga, hahaha!

Da who itong 2 mems na kunwari ay hindi DAW mag-su-swimming kaya naman they didn't bother to bring any swimming paraphernalia?! Pero wag kayo, hindi rin nakatiis ng lolo at lola niyo! haha! Dahil ang lola niyo ay nakahiram ng extrang damit at ang lolo niyo naman ay umuwi pa talaga para kumuha ng damit. Oha! Yan kasi, pakipot pa kayo! Hehe!

Da who itong mem-gurl na waging wagi bilang Pinakamagaling na Aktres para sa natatanging niyang pag-ganap sa Gabi ng Langgotsi Induction? Papunta pa lang sa katayan station, nako, humihikbi na ang lola niyo! Kailangan pa siyang adminiteran ng epi at iresuscitate para huminahon, haha! Ang isa pang mem-gurl ay Pinakamagaling na Aktres naman para sa natatanging pagganap sa fantaseryeng Rounin! Aba, may natatago pa lang fire power ang lola niyo ala Juris at Thalon! Haha! With matching party girl outfit pa ha!

Da who naman ang 2 bagong-bagong induct na mem-boys na sa sobrang kaseksihan ay naglakas loob na magduyan duyan.. nang sabay.. sa isang hammock? Kaya ayun, hindi na nakayanan ng pobreng hammock ang dalawa kaya ito ay bumigay, haha! At wag ka, nagturuan pa sila kung sino ang salarin!

Da who itong pa-tweetums na mem-gurl na binulabog ang buong sanka-Rio-Vistahan sa kanyang makabagbagdamdaming awiting Sometimes I Run, Sometimes I Hide by Britney Effing Spears?! Haha! (Duh, alam ko naman na Sometimes lang talaga yung title nun no..). Hinarana niya ang mga bagong gising na AguPips habang sila ay nag-aalmusal. Mabuti naman at hindi sumakit ang tiyan nila sa tinig ng lola niyo. Haha!

Da who naman ang 2 mems na pinakahuling nagising? Kamusta naman na bihis na bihis na ang lahat samantalang nananaginip pa ang 2 marahil na rin sa sobrang ka-su-swimming at kaiinom? Wasak kung wasak! Hehe! Ayun tuloy, nagising sila na pinagmamasdan ng lahat, haha!

Clue? Wala! Wala nang clue clue. Bwiset kayo.. Para naman mahirapan kayo! Bwahaha! Kung hindi niyo alam kung sinu-sino ang mga ito, well, kayo kasi, hindi kayo sumama! Mamatay kayo sa intriga, haha! For sure naman na pag-uusapan at pag-uusapan ang mga ito sa tambayan at sa logbook in the coming days. Sa susunod na okrayan na lang! Laters!

UP Aguman on Facebook

UP AGUMAN

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

EXECUTIVE COUNCIL 2009-2010

  • President:
  • KEVIN PENALBA
  • Internals Vice-President:
  • TRISH NACPIL
  • Externals Vice-President:
  • ARIES VIRAY
  • Secretary:
  • MICHAEL GULAPA
  • Treasurer:
  • BRYAN QUIZON
  • Educational Committee Chairperson:
  • RUTH HENSON
  • Socio-Cultural Committee Chairperson:
  • MINSKY GOCE
Powered By Blogger
Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
Google PageRank Checker Tool

AguPIPS on Multiply