Doing it for J (And to the friends who will be leaving physically)
Take One: Karibal si Ate
Mainit sa loob nga car. Parang sa Titanic. Pero nagkikiss lang naman sila. Mapusok ang halik ni Kathy sa lalaking owner ng car. Sa lalaking owner ng puso ng ate ni Kathy. At naghiwalay ang namamagang mga labi ni Kathy at namumulang mga labi ng syota ng ate niya.
Paano kung nalaman ‘to ng ate mo?
Di niya malalaman to. Eh paano kung nalaman to ng boyfriend ko?
Eh ‘di naman kami magkakilala ng boyfriend mo eh.
Sabagay.
At naghalikan silang muli.
Take Two: Ang CD
Mahinhin ang pag-ihip ng hangin mula sa bintana. Sabay sa pagsayaw ang ilang mga hibla ng buhok ni Val. Yakap siya ni Marc habang sumasaliw sa himig ng musika sa CD ni Marc ang galaw ng katawan nila.
Ang ganda ng mga music sa CD. Pwedeng sa akin na lang ?
Ahhhh.... Sige na nga. Salamat din pala sa brownies.
Kanino yung mas masarap, dun sa sinasabi mong stalker mo o yung sa akin?
Magkalasa lang eh.
Nakakainis ka! Pinagpaguran ko yang ibake, tapos – mph! Wag dyan! Nakikiliti ako!
Take Three: Age Doesn’t Matter
Pinagmamasdan niya ang mga mata ng mas nakababatang lalaking katabi niya. Si little brother. Nanginginig sa takot. Nagyaya pa kasi na manood ng horror movie. Ang laki naman nyang duwag pag sumigaw siya, tuli na nga eh. Hahaha!
Palagi silang magkasama ni little brother. Parang ang sweet pagmasdan ng dalawa. Parang magkapatid daw. Pero masyadong sweet.
Minsan nga nagseselos na ang gf ni big brother. Sabi niya naman sa kanya, parang kapatid lang daw ang turing niya dito.
Siguro nga dapat ng magselos si GF kay little brother.
Take Four: Love Team LANG daw
Si Jerry, palaging tinutukso sa kaklase niya. Palagi kasing magkatabi sa lahat ng klase nila. Magkasama tuwing recess at lunch time.
Magbestfriend naman talaga silang dalawa. Pero binibigyan yun ng kulay ng mga klasmyets nila.
Pero di sila magkasamang umuuwi. Sinusundo kasi si Jerry ng kuya niya na never namang nakilala ng kaloveteam niya.
O di ba, loveteam nga lang siguro silang dalawa. Ni di nga kilala ng tinutukso kay Jerry ang kuya nito eh.
Siguro nga loveteam lang sila.
Take Five : Ang Text Message
Text # 1: From Val. To her bunsong kapatid.
Hey lil sis! Ano nga ba yung nilalagay mong chocolate sa brownies for boylet? Textback ASAP. I’ll bake mamaya. Turuan mo ako later.
Text # 2: From Kath. To her ate.
.,hEy biG SiS! duTch pRoCesSeD cHoc0 p0h. wiHeE! baKe tAu leiTer!. peNge hUh.,
Text # 3: From Kath. To her secret BF.
., hEyYerZ! mEi gGawiN aQoh lEiTer.. baKe kMi ni aTe k0h. mizZ u! see y0u sa sCho0L! mwAh !
Text # 4: From Jeri. To his loveteam.
mizz na rin kita! mwah! sana sagutin mo na ako. ‘ehe… secret pa rin sa classmates natin kahit tayo na.
Text # 5: From Jeri. To his another loveteam.
kuya bhie napakinggan mo na yung CD? maganda ba mga songs? kanta ko yan para sayo. ‘ehe
Text # 6: From Marc. To his Bhie.
Oo bhie. Pinakinggan ni Val, nagustuhan din niya. Kinuha nga niya eh. Pagburn mo ulit ako. Please? Bigay mo sa akin bukas pag sinundo na kita.
Behind the camera:
Si Lors, bes ni Val. Ate ni Jeri.
Jeri, pagsabihan mo nga sa kaklase mong bestfriend, wag niyang ahasin yung ate niya. Eto na naman kasi, nagbubuhos ng sama ng loob si Val sa akin. Nagpapaturo pang magbake sa akin! Di naman ako marunong! Kapag akong nainis, susugrin ko yang bestfriend mo!
Eh ate, ano bang gusto mong mangyari, ligawan ko kaklase ko?
Kaya mo?
***
Para sa lahat ng gagraduate, maraming salamat sa pagshare niyo ng buhay niyo! J, maraming salamat. Kahit di tayo close. Pero alam mo, kahit papaano, di naman ako nagsisi na ikaw yung buddy ko. Magaling ka eh! Sensible ka, I want everyone to know. At may mga magtataasan ng kilay diyan. Grow like that acacia tree that I’ve told you.
Para sa mga magtatapos, kayo ang tauhan sa kwentong ito. Pangalan niyo lang naman. Ate Acey, ikaw yung stalker. Haha! Joke! Pasensya na sa mga di ko nasama. Kuya Rex! Parang feeling ko di ka pa rin gagraduate for real. Hehehe…
|